top of page

Status: Completed

Genre: Romance

Tags: Beliefs, Confession, Toxic

Language: Tagalog, English

Platform: Wattpad

Description:

Para kay Christian Talastas ay isa lamang siyang ordinaryong tao. Walang kahit na anong interesante sa kaniya dahil madalas ay nasa apat na sulok lang ito ng kaniyang tahimik na kuwarto.

 

Isang araw, sa unang pagkakataon, ay dumalo ito sa isang pagtitipon para sa kaarawan ng kaniyang kaibigan. Dito niya nakilala si Konstantine Valmadrid, ang babaeng may malungkot na mga mata. Hindi agad naunawaan ni Christian ang atraksyon na kaniyang naramdaman. Agad niyang inisip na kailangan nito ng kaibigan kahit na hindi niya pa ito lubusang kilala.

 

Hindi niya alam na sa likod ng mga malungkot nitong mga mata ay mga lihim na unti-unti nitong ipagtatapat at mga paniniwalang babago sa kaniyang kinagisnan.

Note: Click the title or the photo to read the story.

Sad Girl Confessions Book Cover

Status: Completed

Genre: Romance

Tags: Cheating, Marriage, Pregnancy, Choices

Language: Tagalog, English

Platform: Wattpad

Description:

Sa kabila ng pagiging engaged ni Roscoe Castellano sa kaniyang fiancée ay nahanap niya ang sarili na palaging pinanonood ang bawat galaw ng waitress na si Alastriona Buenavista. 

 

May kung ano sa dalaga na siyang nagtutulak sa kaniya palapit dito. Hindi siya sigurado kung ang bahagyang pagkakatulad ba nila, o ang mga ngiti nitong puno ng pag-asa.

 

Sinubukan ni Roscoe na labanan ang kaniyang atraksyon kay Alastriona. Nang dahil sa isang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng kaniyang mapapangasawa ay nagpadala siya sa bugso ng kaniyang damdamin at hinayaan ang sariling mapalagay sa piling ng dalaga.

 

Hindi niya lubos akalain na ang resulta ng mga desisyon niya ang siyang bubura sa mga ngiti ni Alastriona.

Note: Click the title or the photo to read the story.

1717376332.png
bottom of page